Dakong 4:45 ng hapon nitong December 9, 2023 nang isagawa ang search warrant operation ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS kasama ang CNPDEU, PIU at RPDEU na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV kung saan isinilbi at timbog ang suspek sa tahanan nito sa Purok-4, Barangay Calero, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “BAROK,” 46 taong gulang, residente ng nasabing lugar ng pagkakahuli. Naaresto ang suspek sa bisa ng hinaing Search Warrant na may numerong D-29-2023 na inisyu ng Executive Judge, RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte na may petsang December 1, 2023. Samantala, nakumpiska sa nasabing operasyon ang 5 gramo ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng Php 34,000.00.
Ang naarestong personahe at nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya na Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso.


Source: CNPPO PIO