TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, SAKOTE SA OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG DAET

TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, SAKOTE SA OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG DAET

Nitong Disyembre 10, 2023, dakong alas 6:30 ng gabi, isang tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Daet MPS, RPDEU, PIU at CN1stPMFC na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa Purok-3, Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte.

Ang nahuling suspek ay kinilalang si Alyas “NOY,” 46 anyos, isang construction worker at residente ng Purok-9 Barangay IV, Daet, Camarines Norte. Samantala, nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 8 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 54,000.00.

Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO PIO