Arestado ang isang lalaking akusado at nakatala bilang Ranked 1 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Talisay sa ikinasang Manhunt Operation ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa pangunguna ng Talisay Municipal Police Station, CIDG Camarines Norte PFU, 1st at 2nd CNPMFC sa P-5A, Brgy. Gabon, Talisay, Camarines Norte nitong Disyembre 13, 2023 bandang ika 4:35 ng hapon.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Pol”, 23 taong gulang, may asawa, at residente ng P-5A, Brgy Gabon, Talisay, Camarines Norte. Si alyas Pol ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest order para sa kasong Violation of Section 5 (B), Article III of R.A 7610 sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 22935 na inisyu ni Hon. Rene Morallo De La Cruz, Presiding Judge, RTC Branch 5, Family Court, Daet, Camarines Norte noong December 6, 2023 at may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php 180,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Talisay MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO