Isang lalaking Australian National at akusado sa patong-patong na kaso ng paglabag ng RA 9262 ang inaresto ng kapulisan ng Daet MPS nitong December 14, 2023, dakong 11:20 ng umaga sa Diego Liñan Street, Barangay VII, Daet, Camarines Norte.
Ang naaresto ay kinilalang si alias “AILEY,” 51 anyos, may asawa at residente ng lugar ng pagkakahuli. Si AILEY ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest orders para sa mga kinakaharap nitong mga kaso na: tatlong kaso ng Violation of Sec 5(a) ng RA 9262, sa ilalim ng Criminal Case Nos. 22917, 22920 at 22922 na may rekomendadong piyansang P3,000.00 bawat kaso, at apat na kaso ng Violation of Section 5(i) ng RA 9262, sa ilalim ng Criminal Case Nos. 22918, 22919, 22921 at 22923 na may rekomendadong piyansang P80,000.00 bawat kaso na pawang pinalabas ni Hon. Rene Morallo De La Cruz, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 5, Daet, Camarines Norte na may petsang Nobyembre 30, 2023.
Ang arestadong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO