Nadakip ng pulisya ng Mercedes MPS katuwang ang mga tauhan ng CN 1st at 2nd PMFC, CIDG CNPFU, at RIU-PIT Cam Norte ang isang lalaking akusado na nakatala bilang Ranked 3 na Regional Most Wanted Person sa Bicol sa Barangay San Roque, Mercedes, Camarines Norte dakong 8:30 ng umaga nito lamang Disyembre 15, 2023
Isinilbi sa akusado na si alyas “Owen” ang mga warrant of arrest para sa limang kaso ng Acts of Lasciviousness in Relation to R.A. 7610 sa ilalim ng CC# 22936, 22937, 22938, 22939 at 22940 na may piyansang nagkakahalaga ng Php108,000.00 para sa bawat isang kaso, at paglabag naman sa Sec. 5 (A) ng R.A. 9262 at Sec. 5 (I) ng R.A. 9262 sa ilalim ng CC # 22941 at 22942 na may piyansang nagkakahalaga ng Php3,000.00 at Php72,000.00 para sa mga nasabing kaso. Kaugnay nito, ang naarestong suspek ay nakatala rin bilang Ranked 7 Municipal Most Wanted Person sa nasambit na bayan ng pagkakaaresto.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Mercedes MPS ang naarestong akusado para sa kaukulang disposisyon.
“Hangad po ng kapulisan ng Mercedes ang hadlangan ang pagkalat ng anumang uri ng krimen sa bayan, kung kaya’t mas ibayong pakikipagtulungan ng ating mamamayan ang aming hinihingi upang patuloy nating makamit ang katiwasayan at kapayapaan para sa ating bayan.- PMAJ HUGO.

Source: CNPPO PIO