AKUSADO SA KASONG CARNAPPING, ARESTADO NG KAPULISAN

AKUSADO SA KASONG CARNAPPING, ARESTADO NG KAPULISAN

Isang lalaking akusado sa kasong carnapping ang arestado ng kapulisan ng Paracale MPS at RIU5-PIT nitong December 18, 2023, dakong 9:00 ng umaga sa Purok 1, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Ang naaresto ay kinilalang si alias “REY,” 44 anyos, may asawa at residente ng Purok 1, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte. Naaresto ang akusado sa bisa ng isinilbing warrant of arrest order na inisyu ni Hon. Cornelio M. Roll, Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte, ng petsang November 24, 2023 para sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972 (RA 6539) na may kaakibat na pyansa na Php200,000.00.

Ang nasabing  naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO