INSIDENTE NG PAGNANAKAW SA BAYAN NG DAET, SUSPEK HULI

INSIDENTE NG PAGNANAKAW SA BAYAN NG DAET, SUSPEK HULI

Nitong Disyembre 18, 2023 sa pagitan ng alas 12:00 at ala 1:00 ng madaling araw nang maganap ang isang insidente ng pagnanakaw sa Purok 1-A, Barangay Cobangbang, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, ninakaw ni alias RAM, 27 anyos, may kinakasama, at residente ng P-5, Barangay Alawihao, Daet,Camarines Norte ang isang (1) TOYOHAMA hand tractor engine na nagkakahalaga ng labing-apat na libo at limang daang piso (Php 14, 500.00) na pag-aari ni alias LARRY, 44 anyos, may kinakasama, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar. Agad namang naaresto ang suspek sa pamamagitan ng BPSO ng nabanggit na barangay at ito ay itinurn-over sa mga rumespondeng kapulisan ng Daet MPS.

Sa kasalukuyan ay nasa himpilan ng Daet MPS ang nasabing suspek para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO