Timbog ng pinagsamang kapulisan ng RSOU-RID5 Team Cam Norte, Labo Municipal Police Station, CN 2nd PMFC at PIU ang isang lalaking akusado na may kinakaharap na kasong MURDER nitong December 22, 2023 dakong 11:40 ng gabi sa Barangay Awitan, Labo, Camarines Norte.
Ang akusado ay kinilalang si alias “BERTO,” 47 taong gulang, biyudo, isang contractor at residente ng Barangay Awitan, Labo, Camarines Norte. Inaresto si alias “BERTO” sa bisa ng warrant of arrest order na ipinalabas ni Hon. Sancho A Dames, Presiding Judge, Municipal Trial Court, Branch 64, Labo, Camarines Norte na may petsang February 27, 2004 para sa kasong MURDER na walang kaakibat na piyansa.
Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng Labo MPS ang nabanggit na arestadong personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO

