BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT TRUCK, ISA PATAY

BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT TRUCK, ISA PATAY

Isang lalaking sangkot sa insidente ng banggaan sa kalsada ang agad na binawian ng buhay, bunsod ito sa naganap na aksidenteng pagbangga ng isang motorsiklo sa isang Isuzu Truck  dakong alas 11:47 ng umaga nitong Enero 2, 2024 sa kahabaan ng Maharlika Highway Brgy. Bautista, Labo, Camarines Norte.

Ang mga sangkot ay kinabibilangan ng isang motorsiklong Honda 125 na kulay itim na minamaneho ni alyas “Jose,” 24 anyos, binata at residente ng P-5, Barangay Bautista Labo Camarines Norte, at isang pulang ISUZU Truck na minamaneho ni alyas “Juan,” 23 taong gulang, binata at residente ng P-5, Barangay Lag-on Daet, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon ng Labo MPS, habang binabaybay ng truck ang kalsada galing sa bayan ng Daet at patungo sa direksyon ng bayan ng Labo nang bigla itong sinalubong ng nasabing motorsiklo na binabaybay naman ang salungat na direksyon ng kalsada. Sinasabi sa ulat na nag-overtake ang motorskilo sa sasasakyang nasa unahan nito na nagresulta ng pagkakasalpok sa nabanggit na truck. Ang drayber ng motorsiklo ay nagtamo ng seryosong pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito, na agaran ding dinala ng mga tauhan ng Labo MDRRMO sa pagamutan sa Camarines Norte Provincial Hospital, subalit idineklara itong  dead on arrival ng nakatalagang doktor ng ospital. Samantala, ang drayber ng truck ay nagtamo ng mga sugat habang ang mga pasahero nito ay naitala namang ligtas.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Labo MPS ukol sa naganap na insidente. Habang ang mga sasakyang sangkot kasama ang mga nakalap na mga dokumento ay kasalukuyang nasa pansamantalang pangangalaga ng himpilan ng kapulisan ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO