RANKED 6 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE, ARESTADO!

RANKED 6 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, CAMARINES NORTE, ARESTADO!

 Naaresto ng kapulisan ng Jose Panganiban Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ HERSON U MANEGDEG, Chief of Police, katuwang ang mga operatiba ng CNPIU ang isang lalaking may kinakaharap na kaso at nakatala bilang Ranked 6 Municipal Wanted Person sa nasabing bayan nitong Enero 5, 2024 dakong 10:00 ng umaga sa Purok 5, Barangay Sta. Rosa Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si alyas “Ante,” 42 taong gulang, binata, at residente ng kaparehong lugar.  Inaresto ang nasabing personahe sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kinakaharap nitong kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 22969, na may piyansang  Php 108,000.00.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang naarestong akusado para sa kaukulang disposisyon. Samantalang ang kapulisan ng Jose Panganiban MPS ay patuloy na hinihikayat ang taumbayan na makiisa sa layunin na gawing mapayapa ang bayan ng Jose Panganiban sa pamamagitan ng pagsugpo sa kriminalidad at anumang uri ng pang-aabuso at anumang illegal na gawain.

Source: CNPPO PIO