BUSINESS ONE STOP SHOP (BOSS) NAGSIMULA NA SA BAYAN NG DAET

BUSINESS ONE STOP SHOP (BOSS) NAGSIMULA NA SA BAYAN NG DAET

Nagsimula nitong January 8, 2024 ang Business One Stop Shop (BOSS) sa bayan ng Daet kung saan magtatagal ito hanggang February 29, 2024. Ang transaksyon dito ay mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

First come, first served basis ito at 100 transakyon lamang kada araw ang tatanggapin.

Isa itong paraan ng lokal na pamahalaan upang pagsama-samahin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para mapadali ang proseso ng mga kakailanganing permits o anumang dokumento para sa kanilang negosyo.