Dakong alas 5:55 ng hapon, nitong ika-8 ng Enero, 2024 nang maaresto ng mga tauhan ng Daet MPS, katuwang ang CNCIDG PFU, CN 1st at 2nd PMFC at 503rd MC RMFB5 ang isang lalaking akusado sa Purok 6, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang akusado na si alias “ROMEO,” 52 anyos, at residente ng lugar ng pagkakaaresto. Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest order na inisyu ni Hon. Arniel A. Dating, Presiding Judge, RTC Branch 41, Daet, Camarines Norte na may petsang January 8, 2024 para sa kinakaharap nitong kaso na Attempted Murder sa ilalim ng Criminal Case no. 22928 na may kaakibat na piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.00.
Samantala, ang nasabing naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO