Dakong 1:08 ng madaling araw nitong Enero 10, 2024, nang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Labo MPS sa pamumuno ni PCPT Joselito R Jueves kasama ng mga tauhan ng CNPPO-PPDEU ,PDEA-Cam Norte at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU) pangkalahatang pamumuno ni PMAJ HERCULANO P MAGO JR. Officer-In-Charge ng matapos ang koordinasyon sa PDEA ROV naaresto ang naturang suspek sa P-4A, Barangay Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si alyas “IAN”, 24 taong gulang, may kinakasama at residente ng Bayan ng Labo, Camarines Norte. Nakuha sa naturang Operasyon ang isang (1) piraso ng katamtamang laki na selyadong plastic na pakete ng hinihinalang “shabu” bilang buy-bust item at tatlong (2) piraso maliit na selyadong plastic na pakete na pinaghihinalaang “shabu” at halagang limang daang piso (500.00) (buy bust money)
Ang mga nasamsam nahinihinalang iligal na droga ay may tinatayang may timbang na humigit kumulang sa dalawang (2) gramo na may street value na umaabot sa labing tatlong libong piso Php 13,000.00. Ang pagmarka, imbentaryo at pagdokumento ng nasabing operasyon ay ginawa sa harap ng mga suspeks at mga mandatory witnesses sa kasalukuyang nasa kostudiya na Labo MPS para sa kaukulang disposisyon at paghahanda ng mga dokumento para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspect.
“Sa mga nagbebenta at gumagamit pa ng ipinagbabawal na gamot, ang inyong kapulisan ay hindi titigil upang wakasan ang laban sa illegal na pagpapakalat at paggamit ng droga, na syang sumisira sa kinabukasan ng ating mga kababayan”-PMAJ HERCULANO P MAGO, JR.


Source: CNPPO PIO