TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, TIKLO SA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, TIKLO SA BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

Nitong Enero 9, 2023 dakong 11:30 ng gabi, isang lalaki na tulak umano ng iligal na droga at nakatala sa Regional Priority Target on Illegal Drugs (HVI) ang natiklo sa buy-bust operation kontra iligal na droga ng kapulisan ng Daet MPS, CNPIU, PPDEU, at CN1st PMFC ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa kahabaan ng Maharlika Highway, Purok-5, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte.

Ang nahuling suspek ay kinilalang si alias “PAU,” 38 taong gulang, may asawa, at residente ng Purok-3, Barangay Calasgasan, Daet, Camarines Norte. Samantala, nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 8 gramo ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng Php 54,400.00.

Ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO PIO