RANKED 5 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG STA. ELENA, SINILBIHAN NG WARRANT OF ARREST ORDER

RANKED 5 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG STA. ELENA, SINILBIHAN NG WARRANT OF ARREST ORDER

Nitong Enero 10, 2024 dakong alas 10:45 ng umaga ng sinilbihan ng warrant of arrest order ng mga kapulisan ng Sta. Elena ang isang akusadong nakatala bilang Ranked 5 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Sta. Elena sa BJMP-Labo, Purok 2, Barangay Masalong, Labo, Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si alias RUBEN, 43 anyos, binata at residente ng Sitio Pag-asa, Brgy. Tabugon, Sta. Elena, Camarines Norte na sinilbihan ng warrant arrest order na inisyu ni Hon. Cornelio M Roll, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 64, Labo, Camarines Norte para sa kasong 2 counts of Statutory Rape under Art-266-A of the RPC, as amended by RA 11648 sa ilalim ng Criminal Case Nos. 23-4661 at 23-4662 na may petsang November 24, 2023 at walang kaakibat na piyansa.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nananatiling nasa kostudiya ng BJMP-Labo para sa kinakaharap pang kaso.

Source: CNPPO PIO