MGA IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICES AT BALA, NATAGPUAN

MGA IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICES AT BALA, NATAGPUAN

Dakong alas 5:30 ng umaga nito lamang Enero 14, 2024 nang matagpuan ang ilang IEDs at bala sa kalagitnaan ng sinasagawang imbestigasyon at sa tulong ng taong bayan ng mga tauhan ng Labo MPS, kasama ang CN 2nd PMFC, at Alpha and Charlie Coy 9IB, 95th MICO Philippine Army sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Nakuha sa isinagawang operasyon ang dalawamput-siyam na piraso ng small anti-personnel mines, IED (bigas-bigas), at tinatayang walong daang piraso ng bala para sa 5.56 na baril.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa karagdagang impormasyon na makakalap kaugnay sa mga narekober na kagamitan. Ang mga narekober na kagamitan ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon

Source: CNPPO PIO