TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASAKOTE

TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASAKOTE

Nitong Enero 12, 2024, dakong alas 11:00 ng gabi, isang babaeng tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng Jose Panganiban MPS na may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa Purok 5, Barangay Sta. Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang nahuling suspek ay kinilalang si alyas “MARIA,” 43 taong gulang, dalaga, at residente ng Barangay Sta Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 1 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 6,800.00.

Samantala, ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Jose Panganibann MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO PIO