RANKED 10 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG LABO ARESTADONG KAPULISAN

RANKED 10 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG LABO ARESTADONG KAPULISAN

Dakong alas 9:30 ng gabi nitong Enero 15, 2024 nang maaresto ng kapulisan ng Labo MPS ang isang lalaking akusado at nakatala bilang Ranked 10 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Labo sa Brgy. Anahaw, Labo, Camarines Norte.    

Ang akusado ay kinilalang si alias CALOY, 35 anyos,  at residente ng Barangay Malasugui, Labo, Camarines Norte.Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest order para sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 23-4668 na inisyu ni Hon. Cornelio Magana Roll, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 64, Labo, Camarines Norte, nitong  December 15, 2023 na may rekomendadong piyansa na Php108,000.00.

Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng Labo MPS ang arestadong pesonahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO