6 suspek ang naaresto ng kapulisan, sa magkakahiwalay na isinagawang operasyon laban sa iligal na droga nitong ika-20 at 21 ng Enero 2024 sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ang mga naaresto ay kinabibilangan ng: isang lalaking tulak umano ng iligal na droga na nasakote dakong alas 8:20 ng gabi nitong Enero 20, 2024 sa isinagawang drug buy-bust operation ng Mercedes MPS katuwang ang CNPDEU, PIU, at CN 1st PMFC sa Purok 1A, Barangay 7, sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte. Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang nasa 0.35 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may katumbas na halaga na Php 2,380.00; isang lalaking suspek na nasakote dakong 1:56 ng umaga nitong Enero 21, 2024 sa isinagawang drug buy-bust operation ng Labo MPS katuwang ang CNPDEU, CNPIU, CN 1ST PMFC at CN 2ND PMFC sa Purok 4, Brgy Dalas, Labo, Camarines Norte. Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang nasa 1.5 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may katumbas na halaga na Php 8,000.00; isang lalaking suspek na nasakote dakong 4:40 ng umaga nitong Enero 21, 2024 sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Vinzons MPS katuwang ang CNPDEU, CNPIU, CN 1ST PMFC at CamNorte PDEA sa Sitio Mancruz, Purok 1, Brgy. Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte. Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang nasa 1.74 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may katumbas na halaga na Php 11,300.00; dalawang lalaki na kabilang sa Regional Priority Target on Illegal Drugs ng PNP na nasakote dakong alas 9:00 ng umaga nitong Enero 21, 2024 sa isinagawang operasyon laban sa iligal na droga sa pangunguna ng Daet MPS katuwang ang CNPIU, PPDEU, at CN 1st PMFC na isinagawa sa isang hotel sa Daet, Camarines Norte. Nakumpiska naman sa nasabing operasyon ang nasa 3 gramo ng iligal na droga na may katumbas na halaga na Php 20,000.00, at kabilang na pagkakumpiska sa nasabing operasyon ang isang caliber .38 na rebolber at tatlong piraso ng bala para sa nasabing baril; at isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ang nasakote dakong alas 2:40 ng hapon nitong Enero 21, 2024 sa isinagawang drug buy-bust operation ng kapulisan ng Basud MPS katuwang ang CNPDEU, at CNPIU sa Purok 1, Barangay Matnog, Basud, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang nasa 2 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may katumbas na halaga na Php 13,600.00.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng namunong himpilan sa magkakahiwalay na isinagawang operasyon sa lalawigan, para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng mga kaso.



Source: CNPPO PIO

