IEDs NATAGPUAN SA BASUD, CAMARINES NORTE

IEDs NATAGPUAN SA BASUD, CAMARINES NORTE

Dakong alas 1:30 ng hapon nito lamang Enero 22, 2024, nang matagpuan ang ilang Improvised Explosive Devices o IEDs sa Purok 5, Barangay Tuaca, Basud, Camarines Norte, ng isang lalaki na nakilalang si alyas “TOTOY,” na residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, habang nangangalap ng tuyong kahoy na panggatong sa Bicol Natural Park ang nasabing lalaki malapit sa Nalisan Bridge, natuklasan niya ang isang pirasong kulay brown na Eco bag na naglalaman ng IEDs kung kaya’t nagpasya itong dalhin at i-turnover ang nasabing kagamitan sa CAA Patrol Base sa Tuaca, Basud, Camarines Norte.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa karagdagang impormasyon na makakalap kaugnay sa mga narekober na kagamitan. Samantala, sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng CNPECU ang mga nasabing kagamitan para sa kaukulang pagsusuri at tamang disposisyon nito.

Source: CNPPO PIO