DALAWANG BAGONG TULAY SA BAYAN NG DAET CAMARINES NORTE SINISIMULAN NA

DALAWANG BAGONG TULAY SA BAYAN NG DAET CAMARINES NORTE SINISIMULAN NA

Pormal pinasimulan ang bagong tulay na maguugnay sa Barangay 4 Mantagbac at Barangay Camambugan sa bahagi ng Magallanes Iraya sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

 Matatandaan na ito ay una ng plano ni dating Congressman Eming Panotes at ipinagpatuloy naman ni Congresswoman Ate Toots Panotes na magkaroon ito ng pundo, at ng nakalipas na taon ay tuluyan na itong nakasama sa GAA ng nakalipas na taon sa pamamagitan naman ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes

Matatandaan na una ng binisita ng mga miyembro ng Sanguniang Bayan ng Daet at ng DPWH 2nd District Engineering Office upang ipabatid na anumang araw ay maari ng pasimulan ang construction ng naturang tulay.

Samantala sa isa pang tulay sa Barangay Del Rosario sa bayan ng Mercedes na maguugnay naman sa Barangay San Isidro sa Bayan ng Daet ay sinumulan na rin ang pagawa ng kalsada patungo sa bahagi ng Daet river na siyang paglalagyan ng isa pang tulay.

Ayon naman kay Gov. Dong Padilla na dinagdagan naman ni Sen. Robin Padilla ng 100 milyong piso na sana ay para sa isasagawang flyover sa Sentro ng Daet na kinansela na ng DPWH.