Ginarantiya ni GM Zandro Gestiada na sapat ang supply ng kuryente para sa kanilang mga konsumedores sa pagdating ng El Niño lalo na’t siguradong tataas ang konsumo ng mga ito para maibsan ang init na dala ng panahon. Nagkaroon din aniya sila ng bilateral agreement ng Aboitiz Power na kung kukulangin sila ng kuryente sila ang susuporta sa CANORECO kung sakali man na mawalan ng kuryente, ito ay dahil na sa NGCP na hindi na rin naman nila sakop.
Humarap si Gerenal Manager Zandro Gestiada sa nakaraang 74th regular session ng Sangguniang Panlalawagin, January 30, 2024, upang saguting kung may tamang supply ba ng kuryente sa darating na tag-init.