Dakong alas 3:06 ng madaling araw nitong Pebrero 2, 2024 nang maaresto ng mga tauhan ng Labo MPS, CNPPO-PPDEU, CN 1st PMFC, CN 2nd PMFC at CNPIU ang isang lalaking suspek matapos na magpositibo sa isinagawang Search Warrant operation sa P-6, Barangay Malangcao Basud, Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Noli,” 46 taong gulang at residente ng lugar ng pagkakahuli. Nakumpiska naman sa nasabing operasyon ang nasa 2.5 gramo ng hinihinalang “Shabu” na may katumbas na halaga na Php 15,000.00.
Samantala, nasa kustodiya na ng Labo MPS ang naarestong personahe kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.
Patuloy naman ang pinaigting na operasyon kontra iligal na droga. ng kapulisan ng Camarines Norte Police Provincial Office.



Source: CNPPO PIO

