RANKED NUMBER 3 REGIONAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO

RANKED NUMBER 3 REGIONAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO

Dakong 3:30 ng hapon nitong Pebrero 2, 2024 nang maaresto ng mga tauhan ng San Lorenzo Ruiz MPS, katuwang ang RID RSOU5, CN CIDT, CNPIU, RIU PIT CAM NORTE, CN 1st at 2nd PMFC ang isang lalaking akusado at nakatala bilang Ranked 3 Bicol Regional Most Wanted Person sa Purok 6, Barangay Dagotdotan, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Ang arestado ay kinilalang si alyas “Boyet,” 48 taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng parehong bayan ng pagkakahuli. Ang pagkakaaresto ay sa bisa ng isinilbing Warrant of Arrest order para sa akusado na ipinalabas sa bisa ni Hon. Cornelio M. Roll, Presiding Judge ng RTC Branch 38, Daet, Camarines Norte noong January 22, 2024 para sa kinakaharap nitong kasong Murder sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 33021 at walang kaukulang piyansa.

Sa kasalukuyan, ang naarestong personahe ay nasa kustodiya na ng San Lorenzo Ruiz MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO