RANKED 10 REGIONAL MOST WANTED PERSON SA REHIYONG BIKOL NA KABILANG SA AFP WATCHLIST, ARESTADO!

RANKED 10 REGIONAL MOST WANTED PERSON SA REHIYONG BIKOL NA KABILANG SA AFP WATCHLIST, ARESTADO!

Nitong ika 5 ng Pebrero, 2024 bandang alas 12:00 ng tanghali ay naaresto ng tauhan ng Paracale MPS (lead unit) kasama ang RIU, PIU, CIDG, 902nd Brigade PA, 9ID, 9IB ang isang akusado na nakatala bilang Ranked 10 Regional Most Wanted Person sa kabikolan at kabilang rin sa AFP Watchlist sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si alyas “Susan”, 54 anyos, may asawa at residente sa bayan ng Jose Panganiban. Naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrests na inisyu ni Hon. Cornelio M. Roll , Acting Presiding Judge, Branch 64, Labo Camarines Norte na may petsang Enero 26, 2024 para sa limang (5) bilang ng Direct Assaults with Murder sa ilalim ng CC # 2021-4126 hanggang 2021-4130 at walang nakalaang piyansa.

Samantala, ang naarestong personahe ay nasa kostudiya na ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO