Nitong ika 5 ng Pebrero, 2024 bandang alas 3:30 ng hapon ay naaresto ng tauhan ng Labo MPS (lead unit) kasama ang RIU, PIU, CIDG, 2nd PMFC, 902nd Brigade PA, 9ID, 9IB ang isang akusado na nakatala bilang Regional Most Wanted Person sa kabikolan at kabilang rin sa AFP Watchlist sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Ang akusado ay kinilalang si alyas “ROY”, 48 anyos, may asawa, miyembro ng Armando Catapia Command, at residente sa bayan ng Labo. Naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrests na inisyu ni Hon. Cornelio M. Roll , Acting Presiding Judge, Branch 64, Labo Camarines Norte na may petsang Enero 26, 2024 para sa limang (5) bilang ng Direct Assaults with Murder sa ilalim ng CC # 2021-4126 hanggang 2021-4130 at walang nakalaang piyansa.
Samantala, ang naarestong personahe ay nasa kostudiya na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO