Dakong ala 1:20 ng hapon nitong Pebrero 6, 2024 ng matagumpay na maaresto ng kapulisan ng Labo MPS sa tulong ng Revitalized-Pulis sa Barangay Teams, katuwang ang RIU, CN-PIU, CIDG, CN 2nd PMFC, 902nd Brigade PA, 9ID, 9IB, ang isang akusado na nakatala bilang Regional Most Wated Person ng Bicol at kabilang sa AFP Watchlist, sa Purok 2, Barangay Daguit, Labo, Camarines Norte.
Ang arestado ay kinilalang si alyas “ROD,” 45 taong gulang, may asawa, miyembro ng “Armando Catapia Command,” at residente ng lugar ng pagkakahuli. Ang pagkakaaresto ay sa bisa ng isinilbing Warrant of Arrest orders para sa limang kaso ng Direct Assault with Murder sa ilalim ng kasong kriminal na may numerong 2021-4126 hanggang 2021-4130 at walang kaukulang piyansa.
Samantala, ang naarestong personahe ay nasa kostudiya na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO