Sa pagdalo ni Dra. Rachelle Diezmo sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan kahapon February 6, 2024, nabanggit niya na tumataas ang bilang ng teenage pregnancy sa lalawigan kasabay, ito ng pagpasa ng resolusyon hinggil sa Philippine Population of Development Plan of Action 2023-2028 sa layuning matugunan ang mga hamon sa bilang ng populasyon ng bansa maging ng ating lalawigan.
Dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng teenage preganacy sa lalawigan ayon kay Dr. Diezmo pinapaigting nila ang kampanya katulad ng advocacy campaign, reproductive health program para sa mga kabataan at family health program. Aniya sinasagawa nila ito upang magkaroon ng kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa maagang pagbubuntis kahit na kulang ang kanilang mga tauhan para sa ganitong programa.
Iminungkahi naman ni Vice Governor Joseph Ascutia na magkaroon ng Population Officer ng Pamahalaang Panlalawigan para mapangasiwaan ang mga programa tungkol sa populasyon. Samatala naipasa na rin ang resolusyon para sa mga hakbangin patungkol sa populsyon.


