HILING SA NAPOCOR NA PAGPAPALAWIG NG OPERASYON NG GENERATOR SA CALAGUAS ISLAND PASADO NA!

HILING SA NAPOCOR NA PAGPAPALAWIG NG OPERASYON NG GENERATOR SA CALAGUAS ISLAND PASADO NA!

Resolusyon na humihiling sa National Power Corporation (NAPOCOR) na pahabain pa ang oras ng operasyon ng generator sa Calaguas Island isinulong ni Bokal Pol Gache, Committee Chair on Public Utility, noong nakaraang regular na sesyon sa Sanggunian Panlalawigan aprobado na.

Ayon kay Bokal Pol Gache, naipasa ang resolusyon na ito dahil na rin sa kahilingan ni Gobernador Ricarte “Dong” Padilla at ng mga residente ng nasabing lugar. Ayon din kay Bokal Gache, ang dating 8 hours na operating hours ay magiging 16 hours na para na rin sa paghahanda sa darating na summer lalo na’t daragsa ang mga turista sa nasabing lugar.

Samantala, pinuri rin ni Bokal Gache ang pamahalang panlalawigan na naaantisipar nila ang mga kanilangan sa lalawigan at ginagawan na nila ito ng paraan katulad na lamang nitong sa Calaguas Island. Dahil na rin sa iisa lamang ang generator ng NAPOCOR sa Calaguas Island nakikipag-ugnayan na sina Gob. Padilla sa NAPOCOR upang ma-aprobahan ang request na ito ng Sangguinian Panlalawigan.