205 NA BAKA IPAPAMAHAGI NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE

205 NA BAKA IPAPAMAHAGI NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE

Isa sa binibigyang halaga ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang halaga ng food security upang makasiguro na ligtas ang mga pagkaing ihahain sa bawat hapag ng mga Camnoteño at mapanatili ang kabuhayan ng mga magsasaka sa kabila ng banta ng El Niño kaya naman ipinatupad ang Cattle Fattening Program.

Nasa 205 na baka ang ipapamahagi ng pamahalaang panlalawigan bilang parte ng Cattle Fattening ngayong Pebrero. Una nang naipamahagi ang 69 na baka noong ika-2 at ika-3 ng Pebrero at kapahon ika-12 ng Pebrero naibigay na rin ang 74 na baka para sa mga kababayan na mas nangangailan para sa kanilang pangkabuhayan at ang natitirang 62 ay ipapamahagi sa susunod na linggo. Ang pondo ng programang ito ay galing sa kapitolyo at ang magiging kita naman ay direktang mapupunta sa mga recipient.

Kasama sa pamamahagi ang mga opisyal ng lalawigan tulad nina Vice Gov Joseph Ascutia, Bokal Stanley Alegre, at mga kinatawan mula sa Provincial Veterinary Office tulad ni Dr. Ronaldo Diezmo. Kasama rin si Engr. Ernesto Valeros, ang 2nd District Coordinator ng Office of the Barangay Affairs.

Ang programang ito ay hindi lamang para sa pagpapalakas ng food security para sa ating lalawigan kundi para magkaroon rin ang alternatibong pangkabuhayan ang mga magsasaka sa gitna ng krisis. Kaya naman ang monitoring sa mga baka ay isasagawa upang masigurong nasa maayos na kalagayan ang mga ito.