BARANGAY VISITATION NG CONGRESSWOMAN ROSEMARIE CONEJOS PANOTES UNANG UMARANGKADA SA BARANGAY BAGASBAS, DAET, CAMARINES NORTE

BARANGAY VISITATION NG CONGRESSWOMAN ROSEMARIE CONEJOS PANOTES UNANG UMARANGKADA SA BARANGAY BAGASBAS, DAET, CAMARINES NORTE

Nagsimula nang muli ang barangay visitation ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes sa Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte nitong Sabado, February 17, 2024. Malugod namang tinanggap ng mga taga-barangay Bagasbas na labis rin ang katuwaan dahil sila ang unang binisita ng kongresista.

Nagpasalamat rin si Congresswoman Panotes sa suportang walang sawang ibinibigay mula pa noon sa kanyang mga magulang hanggang sa kanya. Nabanggit rin niya na may mga nakalatag siyang mga projects para sa Barangay Bagasbas tulad na lamang ng school building para sa Bagasbas, Elementary School, pagpapaayos ng Pandawan, maging ang Educational and Medical Assistance ay tuloy-tuloy na kanyang ibinibigay. Kasabay rin nito ay namigay si Congresswoman Panotes ng mga food packs.

Pinagsusumikapan niya itong pinagtatrabahuhan at mahanapan ng mga pondo para dagos-dagos lang ang pagbibigay ng project at tulong para sa sekundo distrito ng Camarines Norte.