Muli na namang namahagi ng mga alagaing hayop na ipinamahagi ng araw ng lunes, Pebrero 19, 2023, sa mga bayan ng Basud, Talisay, San Vicente at San Lorenzo na umabot naman sa 62 sa ilalim ng Cattle Fattening Program ng lalawigan ng Camarines Norte.
Dahil sa nararanasang lubos na pangangailan ng mga magsasaka ng mga alagaing baka. Kaya’t nagbigay ng dagdag pangkabuhayan sa mga kababayan nating mga mahihirap upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Ngayong buwan ng Pebrero ay nakapamahagi na ng kabuuang 205 na patabaing baka sa iba’t ibang bayan ng ating lalawigan ang Pamahalaang Panlalawigan.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo ng alagaing baka mula sa iba’t-ibang bayan dahil sa dekalidad na tulong pangkabuhayan ni Governor Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia. Kasama namang namahagi si Board Member Pol Gache.