Dakong alas 2:30 ng hapon nitong Pebrero 19, 2024, isang lalaking tulak umano ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga kapulisan ng Daet MPS katuwang ang mga tauhan ng PPDEU, CNPIU, at 1st PMFC ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV na isinagawa sa Purok 3, Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte.
Ang nahuling suspek ay kinilalang si alyas “WILLY”, 41 taong gulang, at residente ng Purok 5, Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang tinatayang 2 gramo ng hinihinalang iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 13,600.00.
Samantala, ang naarestong personahe at nasamsam na ebidensya ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang reklamo.
Source: CNPPO PIO

