DALAWANG MALALAKING PROYEKTO, IPINRESENTA KAY CONGRESSWOMAN ROSEMARIE CONEJOS PANOTES NI GOVERNOR DONG PADILLA

DALAWANG MALALAKING PROYEKTO, IPINRESENTA KAY CONGRESSWOMAN ROSEMARIE CONEJOS PANOTES NI GOVERNOR DONG PADILLA

Ipinakiusap ni Governor Dong Padilla kay Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes na isulong ang batas para ma-renationalize ang CNPH upang ito ay maibalik sa pamamahala ng Department of Health. Ito ang unang hakbang upang maconvert ito sa General Hospital upang magkaroon ng mas malawak at malakihang serbisyo. Sa pamamagitan nito mas lalaki ang pondong maitutustos sa ospital upang maging moderno at magkaroon ng maayos na kapasidad ang cnph sa paghahatid ng serbisyong higit na kailangan ng ating mga kababayan.

Pagkatapos nito, magkasama silang nagtungo sa tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at tiniyak naman nito sa kanila na pagagalawin ito upang agarang maisabatas ang Free Port and Economic Zone sa kongreso upang maging makatotohanan na ang isa sa mga pinaka malaking proyekto na makakatulong sa ekonomiya ng ating lalawigan at kabuhayan ng ating mga kababayan.