DRUG BUY-BUST OPERATION NAGRESULTA SA PAGKAKABUWAG NG ISANG DRUG DEN SA BAYAN NG DAET, APAT KATAO TIKLO, NASA 102K NA HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, KUMPISKADO!

DRUG BUY-BUST OPERATION NAGRESULTA SA PAGKAKABUWAG NG ISANG DRUG DEN SA BAYAN NG DAET, APAT KATAO TIKLO, NASA 102K NA HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, KUMPISKADO!

Nagsagawa ang pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng PDEA Camarines Norte Police Office (Lead Unit),katuwang ang mga kapulisan ng Daet MPS, PPDEU, at  CNPHPT ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV ng isang buy-bust operation on anti-illegal drugs na nagresulta sa pagkakahuli ng apat katao at pagkakabuwag ng isang drug den sa Purok 5,  Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte.

Isinagawa ang matagumpay na operasyon dakong alas 2:58 ng hapon nitong Pebrero 21, 2024 na kung saan natimbog ang apat na personahe na kinilalang sina alyas “Maria”, 61 anyos, alyas Roy, 52 taong gulang, alyas Eric, 41 taong gulang, pawang mga residente ng Purok 5, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte at si alyas Jong, 29 taong gulang na residente ng Purok 2, Barangay Lidong, Basud, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang nasa humigit kumulang labing-limang (15) gramo ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 102,000.00.

 Samantala, ang mga naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO