Isang lalaki ang inaresto matapos na makuhaan ng baril sa isinagawang search warrant operation ng mga kapulisan ng Sta. Elena MPS, dakong 4:15 ng umaga nitong Pebrero 22, 2024 sa P-9, Brgy. San Lorenzo, Sta Elena, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek sa alyas na “DONDE”, 43 anyos, at residente ng nasambit na lugar. Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant No. SE-002-2024 na ipinalabas ni Hon. Michael Angelo S. Rito, Acting Presiding Judge of MCTC Capalonga- Sta Elena, Camarines Norte, nitong Pebrero 19, 2024 na nagresulta sa pagkakaresto ng suspek matapos na makuha sa pangangalaga nito ang hinihinalang calibre. 38 revolver na walang trademark at serial number at apat na bala nito.
Sa kasalukuyan, ang suspek kasama ng mga nasamsam an ebidensya ay nasa himpilan na ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.


Source: CNPPO PIO