ISANG MIYEMBRO NG NEW PEOPLES ARMY (NPA) KUSANG LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN SA BAYAN NG BASUD

ISANG MIYEMBRO NG NEW PEOPLES ARMY (NPA) KUSANG LOOB NA SUMUKO SA KAPULISAN SA BAYAN NG BASUD

Isang miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) ang kusang loob na sumuko sa pulisya sa bayan ng Basud, Camarines Norte dakong 10:20 ng umaga nito lamang Pebrero 22, 2024.

 Ang nasabing pagsuko ay bunsod ng pagsusumikap ng mga kapulisan na pinangungunahan ng  Camarines Norte 1st PMFC (lead unit) kasama ng mga tauhan ng Basud MPS, CNPIU at NICA 5 kaugnay sa kanilang malawakang pagsasagawa at pagsasakatuparan ng whole-of-nation approach o ang patuloy na pakikipagtulungan at pakikiisa ng lahat ng sangay ng pamahalaan at lipunan upang matulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan.

Kinilala ang nasabing personalidad sa alyas na “Boy”, isang magsasaka at residente ng Brgy. Belwang, Lupi, Camarines Sur. Si “Boy” ay regular na miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa ilalim ng Armando Catapia Command. Kasama ng kanyang pagsuko ay bitbit nito ang kanyang armas na isang  (1) Caliber 38 Armscor 2015 at tatlong (3) bala para sa nasabing baril. Buo ang loob na sumuko at nagpasya siyang sumailalim sa mga programa ng gobyerno sa pamamagitan ng NTF-ELCAC at ng E-CLIP na nakalaan para sa mga katulad niyang nais muling yakapin at handang makiisang muli sa ating pamahalaan, makapamuhay ng normal para sa kanyang pamilya at tuluyang maging malaya sa mga pambubulag at panlolokong ginagawa ng kanilang samahang kinaaaniban.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng Basud MPS ang nasabing personahe para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

Source: CNPPO PIO