Dakong ala 1:40 ng umaga nitong Pebrero 25, 2024, nang magsagawa ng drug buy-bust operation ang mga kapulisan ng Daet MPS, PPDEU (lead unit), CNPIU, at CN 1ST PMFC ayon sa kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV sa isang Inn na matatagpuan sa Purok 3, Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte.
Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang tulak umano ng iligal na droga na kinilalang sina alyas “JAYSON”, 24 anyos, at residente ng Purok 1, Brgy. Mancruz, Daet, Camarines Norte at si alyas “NORJ”, 35 anyos, na residente naman ng P-B, Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte. Nakumpiska sa operasyon ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang umaabot sa PhP 34,000.00.
Samantala, ang mga arestadong personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Daet MPS para sa paghahanda ng mga dokumentong kinakailangan sa pagsasampa ng naaangkop na reklamo laban sa kanila.


Source: CNPPO PIO