Labis-labis ang pasasalamat ng mga mamamayan sa Brgy. Sula at Brgy. Sabang sa Bayan ng Vinzons Camarines Norte sa natanggap nilang food packs mula sa DSWD sa pamamagitan ng Provincial Government, noong February 24,2024. Mahigit sa 400 naman ang nabiyayaan sa Brgy. Sula at mahigit 600 naman sa Brgy. Sabang sa naturang Bayan. Pinangunahan naman ni Board Member Pol Gache ang pamamahagi bilang representante nila Governor Dong Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia. Kasama din sa pamamahagi si Former DepEd School Division Superintend Arnulfo Balane.
Samantala ay ipapagpatuloy naman ang pamamahagi sa mga mamamayan ng ibang pang mga Barangay na naapektuhan rin ang hanapbuhay, partikular ang mga mangingisda.