53 ANYOS NA BABAE TIMBOG SA IKINASANG DRUG BUY BUST OPERATION

53 ANYOS NA BABAE TIMBOG SA IKINASANG DRUG BUY BUST OPERATION

Pasado alas 8:10 ng gabi nitong Pebrero 26, 2024, nang magsagawa ng drug buy-bust operation ang mga tauhan ng Paracale MPS kasama ng PDEA Camarines Norte, at mga operatiba ng PDEU, PIU at RPDEU sa   Purok-2 Village, Brgy Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng isang babaeng kinilala sa alyas na “Baby”, 53 anyos, isang reflexologist at residente ng nasambit na lugar. Inaresto ito matapos na matagumpay na makabili sa kanya ang itinalagang poseur buyer mula sa mga operatiba ng isang pakete ng hinihinalang  “shabu”. Nasamsam sa operasyon ang nasa 2.5 na gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang  Php 17,000.00.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng himpilan ng Paracale MPS ang nasabing suspek habang inihahanda na ng imbestigador ang kasong  paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng  RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: CNPPO PIO