TULAY NA MAGUUGNAY SA BRGY. 4 AT BRGY. CAMAMBUGAN BAYAN NG DAET CAMARINES NORTE, PUSPUSAN ANG PATRABAHO NG DPWH

TULAY NA MAGUUGNAY SA BRGY. 4 AT BRGY. CAMAMBUGAN BAYAN NG DAET CAMARINES NORTE, PUSPUSAN ANG PATRABAHO NG DPWH

May halagang aabot sa 100 milyong piso ang pundo ng naturang proyekto na mula naman sa GAA ni Congresswoman Rosemarie Conejos Panotes ng 2nd district ng lalawigan ng Camarines Norte.

Matatandaan na unang pinagaralan ng DPWH ang proyektong ito sa panahon pa ni dating Congressman Eming Panotes at nilaanan ng pundo sa panahon ni dating Congresswoman Ate Tots Panotes at pinaaprobahan naman upang makasama sa GAA ni Congresswoman Rosmarie Conejos Panotes.

Samantala ay nais na madagdagan ng pundo ang naturang tulay ng makipag-ugnayan si Gobernor Dong Padilla kasama si Congresswoman Panotes sa Secretary ng DPWH upang hilingin na ilipat ang 100 milyong pisong pundo sa isasagawa sanang flyover sa Bayan ng Daet na pinaglaanan naman ng pundo ni Sen. Robin Padilla na isinauli na ng DPWH sa DBM.