Dakong alas 10:10 ng gabi nitong Pebrero 27, 2024, nang magsagawa ng drug buy-bust operation ang mga kapulisan ng Sta. Elena MPS ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV kung saan isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ang nasakote sa Purok 1, Brgy. Plaridel, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “RON”, 29 anyos, na residente ng P-8, Brgy. Kabuluan, Sta. Elena, Camarines Norte. Nakumpiska sa operasyon ang nasa 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang umaabot sa PhP 10,200.00.
Samantala, ang arestadong personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Sta. Elena MPS para sa paghahanda ng mga dokumentong kinakailangan sa pagsasampa ng naaangkop na reklamo.


Source: CNPPO PIO