LALAKI ARESTADO MATAPOS NA MAGPOSITIBO ANG ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION

LALAKI ARESTADO MATAPOS NA MAGPOSITIBO ANG ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION

Alas 10:00 ng gabi nitong Marso 1, 2024 nang magsagawa ng search warrant operation ang mga kapulisan ng Jose Panganiban MPS, CNPIU, PDEU, RPDEU at CN HPT na nagresulta sa pagkakaresto ng isang lalaki matapos na makuhaan ng iligal umano na droga sa kanyang tinitirhan sa Purok 5 Upper, Barangay Bagumbayan, Jose Panganiban, Camarines Norte.

 Kinilala ang naaresto sa alyas na “Allan”, 41 anyos, may asawa at nakatala sa PNP Regional Recalibrated Data on Illegal Drugs-High Value Individual. Isinilbi rito Search Warrant No. D-07-2024 para sa paglabag sa Section 11 Article ll ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ipinalabas ni Hon. Evan D. Dizon, Executive Judge ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte nitong February 29, 2024. Nakuha sa nasabing operasyon ang nasa humigit kumulang na 9 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang Php61,200.00.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS ang nasambit na personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO