Sa katatapos pa lamang na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Daet, March 11, 2024, naglaan ng pondo si Congw. Rosemarie Conejos Panotes para sa restoration ng Daet Bridge Number 1 o ang dating tinatawag na Spanish Bridge sa Baranagy 1 ng nasabing bayan. Ayon rin kay Councilor Benjamin Marlon Bandelaria 10 milyong piso ang inilaang pondo ng kongresista ng ikalawang distrito.
Dagdag pa niya, bumisita na rin sa bayan ang arkitekto mula sa National Historical Commission of the Philippines kasama ang barangay captain ng nasabing lugar noong mga nakalipas na buwan upang sa inspeksyon nang nabanggit na tulay.
Ito ay nakapaloob sa resolution tungkol sa Local Tourism Development Plan na inihain ni Konsehal Bandelaria na hindi naman itunuloy sapagkat ayon kay Vice Mayor Godfrey Parale ito ay nangangailan ng mas maayos sa presentasyon sa kadahilanang ang planong ito ay hanggang sa taong 2028.
photo: CTTO