Naging matagumpay ang pag-aresto sa lalaking akusado na nakatala bilang Regional Most Wanted Person at Ranked 2 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Basud nito lamang Marso 14, 2024 bandang alas 7:45 ng gabi sa Purok 3, Brgy. Hinampacan, Basud, Camarines Norte.
Pinangunahan ang nasabing pag-aresto ng mga kapulisan ng Basud MPS kasama ng mga tauhan ng CIDG CNPFU, at 503rd RMFB. Kinilala ang naarestong personahe na si alyas “PUTOY”, 21 anyos, at residente ng nabanggit na lugar. Isinilbi dito ang warrant of arrest para sa kasong Rape & Lascivious Conduct in relation to RA 7610 sa ilalim ng Criminal Case Nos 33015 at 33016 na may kaukulang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.00 para Lascivious Conduct at walang rekomendadong piyansa para sa kasong Rape. Ang mga nabanggit na warrant of arrest order ay ipinalabas ni Hon. Rene Morallo De La Cruz, Presiding Judge, Family Court, Branch 5, Daet, Camarines Norte noong Enero 30, 2024.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Basud MPS ang nasabing personahe para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO