SURVEY TEAM NG DPWH CAMARINES NORTE DISTRICT ENGINEERING OFFICE (CNDEO) ISINAGAWA NA ANG “GEODETIC ENGINEERING SURVEY WORK” PARA SA PROPOSED WATER SYSTEM PROJECT SA BAYAN NG STA. ELENA

SURVEY TEAM NG DPWH CAMARINES NORTE DISTRICT ENGINEERING OFFICE (CNDEO) ISINAGAWA NA ANG “GEODETIC ENGINEERING SURVEY WORK” PARA SA PROPOSED WATER SYSTEM PROJECT SA BAYAN NG STA. ELENA

Ang Survey Team ng DPWH Camarines Norte District Engineering Office (CNDEO), sa pamamahala ng Planning and Design Section ng ahensya, habang isinasagawa nitong  Pebrero at Marso ang ‘geodetic engineering survey work’  ng proposed water system project sa bayan ng Sta.Elena sa 1st District ng Camarines Norte.

Inaasahan na masisimulan ang konstruksyon ng naturang proyekto, na may kabuuang halaga na P140 million, sa naturang bayan ngayong taon sa pagtutulungan ng  Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov.Ricarte Padilla, ng Sta.Elena Water District at ang lokal na pamahalaan nito, at ng DPWH – CNDEO na siyang magsasagawa ng proyekto.