LALAKI ARESTADO SA KASONG PAGLABAG SA R.A. 9262 SA BAYAN NG VINZONS

LALAKI ARESTADO SA KASONG PAGLABAG SA R.A. 9262 SA BAYAN NG VINZONS

Isang 42 anyos na lalaki ang naaresto ng mga tauhan ng Vinzons MPS katuwang ang MARPSTA Camarines Norte, RIU5 PIT CAM NORTE at 503rd RMFB para sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act nito lamang alas 7:30 ng umaga, Marso 19, 2024 sa P-3 Brgy. Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Olan”, 42 taong gulang at residente ng Sitio Sugod Brgy Banocboc, Vinzons.  Naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Setyembre 25, 2014 ni Hon. EVAN D DIZON, Presiding Judge, Fifth Judicial Region Branch 40 Daet Camarines Norte sa ilalim ng criminal case no. 16308.  Ang nasambit na kaso ay may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php PhP80,000.00.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Vinzons Municipal Police Station ang nasabing suspek para sa kaukulang disposisyon.

Panawagan naman sa publiko ni PMAJ ACE J FLORES, hepe ng Vinzons MPS na magkaroon ng malasakit at huwag matakot na magbigay ng anumang impormasyon at isumbong ang anumang pangyayari sa lugar para sa patuloy na pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa nasambit na bayan.

Source: CNPPO PIO