Tatlong lalaki ang inaresto ng Sta. Elena Municipal Police Station dakong 7:30 at 8:15 ng umaga ng March 21, 2024 sa Purok 8 at Purok 9 ng Brgy. San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina alyas “Ton-Ton”, 65 anyos, may asawa, alyas “Paeng”, 40 anyos, may asawa, at alyas “Lino”, 46 anyos, may kinakasama at pawang mga residente ng Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte. Inaresto ang mga akusado sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Sec.95, R.A 10654 sa ilalim ng Criminal Case No. 3152-CCN na ipinalabas ni Hon. Michael Angelo S Rito, Presiding Judge, ng Municipal Circuit Trial Court of Capalonga-Sta. Elena, Capalonga, Camarines Norte noong February 19, 2024 na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php 10, 000 bawat isa.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Sta. Elena MPS ang mga nasabong personahe para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO