BARIL AT KAGAMITAN SA PAGGAWA NG PAMPASABOG O IED, NAREKOBER NG MGA KAPULISAN

BARIL AT KAGAMITAN SA PAGGAWA NG PAMPASABOG O IED, NAREKOBER NG MGA KAPULISAN

Nito lamang Marso 24, 2024, sa ganap na alas 9:25 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon mula sa isang lalaking teenager na si alyas BOY ang mga kapulisan ng 2nd Manuever Platoon,  2nd PMFC at Labo MPS tungkol sa isang kahinahinalang kulay itim na plastic bag na nakalagay malapit sa tambakan ng bunot ng niyog sa lugar ng Purok 7, Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte.

 Agad na tinungo ng mga kapulisan ang lugar at doon tumambad sa mga ito ang isang kulay itim na sling bag na naglalaman ng isang Caliber .38 na may tatak na Smith and Wesson na walang serial number at kargado ng tatlong bala. Narekober rin sa lugar ang isang eco bag na may lamang kagamitan sa paggawa ng pampasabog o Improvised Explosive Device (IED)gaya ng 3 blasting caps, 4 na stick ng dynamite “TNT”, at time fuse cord na may humigit kumulang 2 metro ang haba.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa karagdagang impormasyon na makakalap kaugnay sa mga narekober na kagamitan at upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nagmamay-ari nito.

Samantala, ang mga narekober na kagamitan ay ituturn-over sa Provincial EOD and Canine Unit at Provincial Forensic Unit para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO