DRUG BUY-BUST OPERATION NAGRESULTA SA PAGKAKABUWAG NG ISA UMANONG DRUG DEN SA BAYAN NG DAET, APAT KATAO TIKLO, NASA 108K NA HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, KUMPISKADO!

DRUG BUY-BUST OPERATION NAGRESULTA SA PAGKAKABUWAG NG ISA UMANONG DRUG DEN SA BAYAN NG DAET, APAT KATAO TIKLO, NASA 108K NA HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, KUMPISKADO!

Nagsagawa ang pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng PDEA Camarines Norte Police Office (Lead Unit),katuwang ang mga kapulisan ng Daet MPS, PPDEU, at  CNPHPT ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV ng isang buy-bust operation on anti-illegal drugs na nagresulta sa pagkakahuli ng apat katao at pagkakabuwag ng isa umanong drug den sa Purok 3,  Barangay Cobangbang, Daet, Camarines Norte.

Isinagawa ang matagumpay na operasyon dakong alas 2:36 ng hapon nitong Abril 3, 2024 na kung saan natimbog  ang apat na personahe na kinilalang sina alyas “Mando”, 57 anyos(Drug Den maintainer); alyas Rolly, 34 taong gulang, isang tricycle driver; alyas Roy, 42 taong gulang, isang tricycle driver, pawang mga residente ng Barangay Cobangbang, Daet, Camarines Norte at si alyas Dong, 41 taong gulang na residente ng Barangay Mambalite, Daet, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang nasa humigit kumulang 16 na gramo ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 108,800.00.

Samantala, ang mga naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO